04/10/2024
MALIGAYANG ARAW NG MGA GURO!๐ซก๐
Ang dedikasyon na mayroong kayo ay nagkaroon ng pangmatagalang epekto sa mga buhay na inyong naantig. Hindi lamang dahil sa itinuturo sa loob ng paaralan kundi pati na rin sa ibinubuhos ninyong pagmamahal, pakikisama, at disiplina na naibabahagi niyo sa amin. Ipinaaabot namin ang aming pasasalamat sa inyong walang patid na suporta at walang hanggang patnubay na nagbibigay
inspirasyon sa aming magpatuloy. Nawaโy ang araw na ito at ang mga lilipas pa ay magsilbing paalala kung gaano kayo higit na pinapahalagahan.
Maraming salamat sa inyong lahat. Maligayang araw ng mga G**o!
27/08/2024
๐๐๐๐ผ๐๐ ๐๐ผ๐๐ผ๐๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ, ๐๐๐๐ผ๐๐ ๐๐ผ๐๐ฝ๐ผ๐๐๐ผ!
Salamin ng ating pagka-Pilipino ang ating wikang pambansa. Bahagi nang ating tradisyon ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Saan mang sulok ng mundo dalhin, wikang Filipino ang siyang gamit natin.
Muling nakibahagi ang Filipino 2B sa ginanap na programa para sa Buwan ng Wikang Pambansa na may temang "Filipino: Wikang Mapagpalaya." Bilang pagkilala sa mga talentong tinataglay, nagpamalas ang mga mag-aaral sa pagsayaw at awit na nauugnay at kumikilala sa Wikang Filipino bilang bahagi ng ating kultura. Maraming paraan upang ipakita ang suporta para sa sariling atin, lawakan lamang ang isipa't matutuklasan natin.
Maligayang Buwan ng Wika!
27/08/2024
๐ข๐ ๐๐๐จ๐๐๐ ๐๐ค๐ข๐๐จ, ๐๐ฃ๐๐๐ ๐ฃ๐๐๐ค๐๐๐๐จ!
Sa nakaraang Timpalak Panitik 2024 na bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na may temang, "Filipino: Wikang Mapagpalaya", kagila-gilalas ang husay na ipinamalas ng ating mga kalahok na nagresulta sa kanilang pagwawagi. Ngayong Agosto 27, 2024, pinarangalan ng Unang Gantimpala si Jona Mae Baldismo sa Pagsulat ng Tula at unang gantimpala para rin kay Mary Queen Tortogo sa Pagsulat ng Sanaysay.
Kami ay nalulugod sa inyong karangalang dala para sa ating lahat. Maraming salamat!
02/08/2024
๐ฒ๐จ๐ณ๐ฐ๐ต๐ฐ๐บ๐จ๐ต, ๐จ๐ป๐ฐ๐ต๐ฎ ๐ป๐ผ๐ต๐ฎ๐ผ๐ฏ๐ฐ๐ต!
Sa paparating na pagtapak muli sa panibagong Taong- Aralan, nakiisa ang Filipino 2B sa programang ๐ฌ๐ซ๐ผ๐ฒ๐ฉ๐ผ๐ฒ๐ณ๐ถ๐ซ: Initiative for Green Practices Within the College of Education.
Mahalagang isaalang-alang ang kaayusan ng pangalawang tahanan sapagkat dito nahahasa at pinayayabong ang kaalaman. Ang pagkakaisa ay matutunghayan hindi lamang sa kasiyahan ngunit ito rin ay maaaring ipamalas sa panahon ng pangangailangan tungo sa kalinisan!
02/08/2024
TINGNAN: BAGONG OPISYALES NG FILIPINO 2B
Lubos kaming nagagalak na ipakilala sa inyo ang mga mahuhusay na bagong opisyales nang Filipino -2B ngayong taon. Ang bawat isa sa mga dedikadong mga opisyales ng seksyon ay nagdadala ng kanilang mga talento at kasipagan upang matiyak ang kaayusan ng klase, Kilalanin ang ating mga kahanga-hangang opisyales ng Filipino -2B sa Taong Aralan 2024-2025.
01/08/2024
Balik Eskwela nanaman isang โEyyYyyyโ naman dyan.
โIsang Binder, Dalawang Ballpen at isang______?โ
May kulang pa ba, ano pa ang kailangan mo?
Tignan๐๐ป