DepEd Tayo- Tanque NHS

DepEd Tayo- Tanque NHS

Share

This is the new page of Tanque National High School, Schools Division of Roxas City.

Operating as usual

Photos from DepEd Tayo- Tanque NHS's post 27/03/2025

๐‡๐ข๐ซ๐š๐ง๐  ๐ง๐š ๐‹๐š๐ค๐š๐ฆ๐›๐ข๐ง๐ข: ๐ˆ๐ฅ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐Š๐š๐ญ๐š๐ญ๐š๐ ๐š๐ง, ๐๐ซ๐ข๐ฅ๐ฒ๐š๐ง๐ญ๐ž ๐ง๐  ๐ƒ๐ฎ๐ง๐จ๐ง๐  ๐š๐ญ ๐€๐ฅ๐š๐› ๐š๐ง๐  ๐’๐š๐ง๐๐ข๐ ๐š๐ง
โœ๏ธ ๐˜—๐˜ข๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฆ ๐˜‘๐˜ฐ๐˜บ ๐˜ˆ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฆ๐˜ญ (12- ๐˜š๐˜›๐˜Œ๐˜”)

Ina...Mandirigma...Pinuno...Ilaw...Lakambini

Limang salitang nagbibigay imahe sa mga kasangga ng lipunan. Nagiging bakal na yerong panangga sa mga pagkakataong buhay ay puno ng lumbay.

Babae, tila ang pumapasok sa kukuti ng karamihan ay mahina. Nababagay sa loob ng tahanang binabakuran ng mga gawaing kinalakihang para sa mga kababaihan lamang. Ang katotohanang iyan ay patuloy na nakakulong sa mga isipan ng bawat isang naninirahan dito, sa tinubuang lupa. Mula pa sa panahong bato at sa modernong panahon ng teknolohiya ay may pagkakataong umuusad pa ito. Mabigat sa loob na ikabuturan ng puso na ganito ang tingin sa mga mandirigma ng sambayanan. Ngunit, sa mala-anghel na imahe ng isang dalaga ay mayroong brilyante ng tapang na nakakubli. Handang sumugod sa anumang unos na sumapit, kayang pataubin tulad ng pagpapataob ng bundok na labahin at hugasin sa silid na tahanang inaalagaan.

Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pagiging isang "Empowered" na babae?

Hindi sapat ang simpleng kasarinlan upang masabing malaya ang isang babae. Ang tunay na babaeng "Empowered "ay ang kakayahang pumili, magsalita, at kumilos nang hindi natatakot sa panghuhusga. Ito ay ang pagsasabuhay ng sariling kakayahan nang hindi nakakulong sa mga inaasahan ng lipunan. Ang isang ina na nagsisikap para sa kinabukasan ng kanyang anak. Isang dalagang nangangarap at nagsusumikap na abutin ang kanyang mithiin. Isang babaeng pinuno na walang takot na humaharap sa hamon. Lahat sila ay mukha ng isang Empowered na babae.

"Huwag kang mag-alala, anak. Sandali lang akong mawawala. Pagbalik ko, may sarili na tayong bahay, at hindi mo na kailangang matulog nang gutom.โ€

Ito ang pangakong iniwan ni Clara sa kanyang anak bago siya umalis patungong ibang bansa. Mahirap ang loob niyang iwan ang kanyang munting pamilya, pero para sa kinabukasan ng anak, tiniis niya ang lungkot at pangungulila. Ngunit sa kanyang pagbabalik, hindi masayang yakap o halik ang sumalubong sa kanya. Sa halip, malamig na bangkay ng anak ang bumagsak sa kanyang mga bisig. "Bakit ganito?" umiiyak niyang tanong habang yakap ang anak. Natuklasan niyang hindi lamang pinabayaan ang bataโ€”itoโ€™y inabuso, binugbog, at sa huli, sinagasaan upang pagtakpan ang krimen.

"Bakit walang nakapansin? Bakit walang tumulong?โ€ sunod-sunod na tanong ni Clara, ngunit walang makasagot. Sa matinding hinagpis, alam niyang may dalawang daan siyang maaaring tahakin: ang tuluyang malugmok sa lungkot o bumangon para sa hustisya. Pinili niyang lumaban.

Itinayo niya ang isang samahan para sa mga inang tulad niyaโ€”mga inang kailangang marinig, maintindihan, at bigyan ng pag-asa. โ€œHindi ako nag-iisa. Marami sa amin ang iniwan ang pamilya para sa magandang kinabukasan, pero may ilan sa amin, tulad ko, na hindi naabutang buo ang pamilyang iniwan,โ€ ani Clara habang nililingon ang mga kasama niyang ina sa kanilang munting opisina.Hindi na niya maaaring ibalik ang buhay ng kanyang anak, ngunit maaari siyang maging tinig ng mga inang kailanman ay hindi dapat mawalan ng pag-asa. Ngayon, hindi lang siya isang ina, siya ay mandirigma, isang pinuno, isang ilaw para sa iba.

Sa bawat patak ng luha ay may kwentong hindi narinig, sa bawat sugat ay may labanang hindi nakita. Ngunit ang isang tunay na babae. Isang ina, isang mandirigma, isang pinuno, ay hindi lamang sumusuko sa bigat ng trahedya. Siya ay bumabangon, lumalaban, at nagiging ilaw sa madilim na landas ng iba.

Ang kwento ni Clara ay kwento ng maraming kababaihan, mga pusong nagdusa ngunit hindi nagpatalo, mga bisig na napagod ngunit hindi sumuko. Ang pagiging isang Empowered na babae ay hindi lamang nasusukat sa kanyang tapang, kundi sa kakayahan niyang ipaglaban hindi lamang ang sarili kundi pati ang iba. Sa kanyang pagbagsak, siya ay tumayo. Sa kanyang pagdadalamhati, siya ay naging pag-asa. Sa kanyang katahimikan, siya ay naging tinig.

Sapagkat tulad ng isinasaad sa Kawikaan 31:25, โ€œSiyaโ€™y nadaramtan ng kalakasan at karangalan; at tumatawa siya sa panahon na darating.โ€
PurpleWednesdays



๐Ÿ“ธ T. F. Calinao | P. A. Bernada | M. Victoriano

27/03/2025

It's SPASS season once again! ๐Ÿฅณ

Photos from ๐๐ข๐จ๐’๐ฒ๐ง๐ญ๐ก๐ฌ - 10 ๐’๐“๐„ ๐'s post 27/03/2025

Year 4 of Pamatik-batik: Research and Innovation Expo

Congratulations, everyone! ๐Ÿฅณ

25/03/2025

See you all, Tanquenians!

25/03/2025

Happy birthday, Ma'am Charlotte B. Marcelo! ๐Ÿฅณ๐Ÿฅณ๐Ÿฅณ

Photos from DepEd Tayo- Tanque NHS's post 23/03/2025

Congratulations to Jeros John Caragos of Grade 12-STEM for winning Champion in the Speak Up! (Impromptu Speaking Contest) and to Jay Rexel Dizon of Grade 10-Rizal for securing Third Place in Read-A-Thon (Bidyokasiya) during the Division Festival of Talents in Social Science and Filipino at PMRMS-North, March 22.

Kudos as well to their dedicated coaches, Maโ€™am Marivel N. Amarillo and Mrs. Ma. Flordeliz A. Dela Cruz.

Photos from DepEd Tayo- Tanque NHS's post 19/03/2025

๐•ป๐–†๐–Œ-๐–Ž๐–‘๐–†-๐–Ž๐–‘๐–† ๐–˜๐–† ๐•ญ๐–†๐–Œ- ๐–” ๐–“๐–Œ๐–† ๐•ธ๐–†๐–—๐–Ž๐–† ๐•ฎ๐–‘๐–†๐–—๐–†
Ni Milrose Bendoy (Grade 12- HUMMS)

Mabilis kung tumakbo ang panahon, hindi alintanang nasa ikatlong buwan na tayo ng taon. Kung titignan sa mga kalendaryo, ngayon ay buwan na ng Marso- pambansang pagdiriwang para sa mga kababaihan. Ito ay nagsisilbing paalala sa kanilang katatagan, kagalingan at mga karapatan. Pagbibigay pugay sa tapang at hindi masukat na kontribusyon na humubog sa lipunan, kultura at kinabukasan sa sambayanan.

Sa mahabang panahon nanatiling anino ang mga kababaihan, nakakubli sa likod ng mga kalalakihan at paboritismo. Ngunit ito ay matagal nang nagwakas. Ang hindi pagkilala sa kanilang sakripisyo at pagdurusa ay natuldukan na. Hindi na maituturing p**i sapagkat may boses nang manindigan, magpahayag at lumaban. Pinatunayan ng modernong Maria Clara na kaya nilang makipagsabayan sa galing, puwersa at talino ng mga kalalakihan.

Kung babalikan ang nakaraan, makikitang namayani ang paniniwalang ang babae ay nararapat lamang sa apat sa sulok ng tahanan- alipin ng kusina, karayom at sinulid. Ito ay lubusang nakaapekto sa kanilang pakikiisa sa lipunan. Sa datos ng United States Department of Labor, 56.1% lamang ang kabuuang partisipasyon ng mga kababaihan, mas mababa kumpara sa mga kalalakihan na umaabot ng tinatayang 67.6%. Ipinapakitang hindi ganoon kaaktibo ang mga kababaihan dulot umano ng mga limitasyong ibinabato sa kanila.

Sa kabilang banda, pinatunayan ng modernong Maria Calara na tunay silang bukod-tangi at nangingibabaw. Kaya nitong kumayod at magtrabaho, gayon din ang pumasok sa ibaโ€™t ibang larangan katulad ng palakasan, akademya, sining, pulitiko at maging kapulisan. Isa na rito ang Punong Barangay ng Barangay Tanque na si Gng. Anita Bitoon, kung saan ipinamalas nito ang kagalingan sa pamumuno at tapang na isulong ang kaayusan at katahimikan sa kanilang barangay. Pinapahiwatig na hindi lang basta babae, ang rosas ng ating bayan. Sila ang bagong pinuno na nagtuturo ng daan patungo sa magandang kinabukasan.

Malaya na ring nakaboboto at nakapaghahalal ang mga kababaihan ng mga politikong nais nilang mamuno. May kakayahan na rin silang mamahala at umupo sa gobyerno. Katulad na lamang nila Maria Leonor โ€˜โ€™Leniโ€™โ€™ Robredo, Senator Risa Hontiveros at ang tanyag na dating senator na si Mariam Defensor Santiago. Pinatotohanan nilang may kakayahan sa pamumuno ang mga kababaihan. Ang kontribusyon nila ay tumatak at nagdulot ng malaking pagbabago sa pagpapaunlad ng bansang silangan.
Tunay ngang hindi lang sa tahanan naipamamalas ng mga tala ng bayan ang kanilang kakayahan, kung hindi pati na rin sa lipunan at pamahalaan. Ang dating naninilbihan lang sa loob ng bahay, ngayon ay malaya nang kumilos, pumili at gawin ang kanilang nais.

Panahon na upang hindi lang kilalanin, kundi tunay na ipagmalaki at ipaglaban ang bagong mukha ng kababaihan. Ang kanilang lakas ay lakas rin natin, at ang kanilang tagumpay ay tagumpay ng sambayanan. Huwag nating hayaan bumalik sa dati ang pagtrato sa kanila, ang pagwalang bahala sa kanilang sakripisyo at mga ginawa. Sa ating pagsuporta, sa pagtuturo, sa pagrespeto, at sa pagkilos, nakabubuo tayo ng isang lipunang tunay na nagpapahalaga sa hiyas ng lipunan .

Sama-sama nating ipagdiwang ang buwan ng mga kababaihan. Tayo naโ€™t imulat ang ating mga mata sa modernong larawan ni Bibining Clara. Hindi lamang sila alamat ng kahapon, kundi reyna ng kasalukuyan at pag-asa ng hinaharap. Saludo sa inyo ang mga Pilipino. Mabuhay ang mga kababaihan, pag-ila-ila sa Bag-o nga Maria Clara, isang modernong mukha ng klasikong simbolo ng kababaihan.




๐Ÿ“ธ T. F. Calinao | P. A. Bernada | M. Victoriano

18/03/2025

๐Ÿ’ ๐ƒ๐€๐˜๐’ ๐“๐Ž ๐†๐Ž!

We are excited to welcome all Grade 7 applicants to our STE program for SY 2025-2026 who will take the qualifying exam on March 22, 2025 at DepEd Tayo- Tanque NHS JHS Science Laboratory.

Please check poster in the comment section or click the link below for more details.

https://www.facebook.com/share/p/19Kh8tNDky/?mibextid=wwXIfr

Mark the date! See you! ๐Ÿ’™

Photos from DepEd Tayo- Tanque NHS's post 17/03/2025

What an amazing showcase of talent, creativity and environmental advocacy all in the spirit of sustainability and environmental preservation!

The 2025 EcoRunway Superstar was a spectacular display of Tanquenians' ingenuity with the stunning costumes they designed and crafted from recycled materials.

We were blessed with the presence of our alumni judges, Klenn Mark Mayo, Mary Rose Antonino and April Glea Antion, with our invited guests: Rolind Andutan (AO II), Dr. Kiven Ardeรฑo of Dumolog NHS and our dynamic OIC-SDS Samuel J. Malayo.

This celebration was the highlight of the YES-O Festival 2025 led by YES-O Adviser Paul Noel A. De Leon and the YES-O officers, with the full support of Maria Theresa D. Aposin (Principal IV)

Congratulations to all the winners and to everyone who made this event possible! You all did great!

Until next year, everyone!

Photos from DepEd Tayo- Tanque NHS's post 17/03/2025

We were truly honored to welcome the officers of the National Association of Public Secondary Schools of the Philippines (NAPSSPHIL) Iloilo Chapter on March 14 for their benchmarking activities. Their visit fostered meaningful exchange of ideas and best practices. We deeply appreciate their time and interest in our initiatives and we look forward to future collaborations that will continue to improve the delivery of services for our most important resource- our learners. ๐Ÿ’›

๐Ÿ“ธAllyn JM Antion

Photos from DepEd Tayo- Tanque NHS's post 12/03/2025

Bituin ng Kaunlaran: Bida Babae
Isinulat ni Blessie B. dela Cruz(Grade 11- STEM)


"Babae ka, hindi babae lang!โ€

Makulay na sinalubong ng buong sambayanang Pilipino ang 2025 National Womenโ€™s Month na may temang โ€œBabae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas.โ€ Ikinatuwa naman ito ng mga kababaihan sapagkat sa ganitong selebrasyon ay napatitingkad ang kanilang halaga sa bayan. Ito ay ipinagdiriwang sa buwan ng Marso kung saan kinikilala rin ang kanilang kagitingan, karapatan, at katayuan sa bansa na ilang dekada nilang ipinaglaban.

Malinaw na nakaukit sa kasaysayan at reyalidad ang mga sakripisyo at paghihirap na dinanas ng mga kababaihan makamit lamang ang ipinagkait sa kanilang respeto at Karapatan kung kayaโ€™t nararapat lamang silang kilalanin sa bansa. Ito ay dahil tabingi ang sistema at kalakaran noon, dahilan kung bakit mababa ang tingin ng mga mamamayan noon sa mga Mariang Pilipina. Dahil dito ay nalimitahan ang mga gawain, karapatan, at opurtunidad para sa kanila. Subalit sa kabila ng mga pang-aaping dinanas ay napatunayan nila na sila ay karapat-dapat sa bayan.

Noon pa man sa panahon ng pananakop ng mga banyaga sa Pilipinas at maging sa kasalukuyan ay nakararanas na ng hindi pantay na pagtingin ang mga rosas ng bayan. Ayon sa tala ng International Labour Organization (ILO), ang pandaigdigang partisipasyon ng mga babae sa paggawa ay humigit-kumulang 48% lamang kumpara sa 75% para sa mga lalaki. Ito ay dahil mababa at mahina ang tingin ng karamihan sa mga lakambini kung kayaโ€™t naaapektuhan nito maging ang kanilang trabaho. Lingid sa kaalaman ng mga nangmamata sa kanila ay malaki na ang naitulong at ang papel na ginampanan ng mga kababaihan.

Sa panahon ng giyera at labanan kung saan kinakailangan ang mga magigiting at matatapang na mandirigma ay kadalasang mga lalaki ang inaasahan ng bayan. Kagaya na lamang nina Teresa Magbanua at Melchora Aquino na kumalinga sa mga sugat ng sundalo noong panahon ng rebolusyon laban sa mga Espanyol. Ito ang patunay na malaki ang ginagampanan at napatunayan ng mga natatanging dilag sa kasaysayan ng Pilipinas.

Sa moderno at kasalukuyang panahon naman ay hindi pa rin nawawala ang ningning at yapak ng mga hiyas sa lipunan tulad na lamang ng iniwan nilang liwanag na patuloy na nagniningning sa Tanque National High School kung saan pinamumunuan ito ng kababaihan mula sa taong itinatag ito. Tinatayang 75% ng kabuuang bilang ng mga g**o rito ay mga babae at karamihan pa sa kanila ay mga pangunahing namumuno sa bawat baitang.

Nakalintal na rin sa kasaysayan ng paaralan ang ibaโ€™t ibang punong g**o na namuno dito. Pinamunuan ito nina Gng. Trinidad B. Aquillo na siyang pinakamatagal na punong g**o mula 1988 hanggang 2018, sinundan ito ni Dr. Emely P. Frenila na siyang opisyal na namahala sa paaralan noong Enero 2018 hanggang Hulyo 2018, Dr. Susana L. Leccio na siyang nagging punong g**o mula Hulyo 2018 hanggang Agosto 2021, at ang kasalukuyang punong g**o na nangangalaga sa Tanque National High School na si Gng. Maria Theresa Aposin mula noong 2021. Sinasalamin lamang nito na may kakayahan ding mamuno at magtaguyod ang mga ilaw ng lipunan at nararapat lamang silang kilalanin.

Sa loob ng mahabang mga taon ng pakikibaka para sa karapatan ay nakamit na nila ang kanilang inaasam, ipinaglaban ang karapatan hindi upang manlamang at may mapatunayan, kung hindi upang tumulong at mapaunlad ang bayan. Pagkakapantay-pantay ang kanilang sigaw kung kayaโ€™y pantay na karapatan, pagkilala, at pagpapahalaga rin ang sa kanilaโ€™y nararapat.

Ang panahon ng paghihirap at sakripisyo para sa karapatan ay natapos na. subalit hindi sa pagtatapos ng Womenโ€™s Month natatapos ang pagkilala at pagbibigay respeto sa mga liwanag ng bayan. Maraming mga papel ang ginagampanan at pinaghihirapan nila sa bayan kabilang na rito ang pagiging ilaw ng tahanan. Sila ang mga natatanging bituwin na nagbibigay liwanag tungo sa kabutihan, katapangan, at kaayusan na siyang daan para sa kaunlaran ng bayan sapagkat sila ay mga babae, hindi babae lang.




๐Ÿ“ธ Patricia Andrea Bernada, Thea Faith Calinao & Margielyn Victoriano

Photos from DepEd Tayo- Tanque NHS's post 10/03/2025

ECO-LITRATO: PHOTOGRAPHY CONTEST | YES-O FESTIVAL 2025

"Capturing Youth Action for a Greener Tomorrow.โ€ ๐ŸŒฟ๐Ÿ“ธ

A compelling showcase of photography as JHS and SHS students used their lenses to highlight the vital role of youth in environmental action!

This event was successfully facilitated by Jonathan R. Alayon, Gale Nexee A. Luna and Princess Mae C. Tenorio, with Emily D. Selorio, Paul Noel A. De Leon, and Kylle M. Firmalino serving as judges, last February 28.

๐Ÿ† Who will claim victory? The winners will be announced on March 15 during the closing program of YES-O FESTIVAL 2025! Stay tuned!

Photos from DepEd Tayo- Tanque NHS's post 10/03/2025

ECO-POSTER MAKING CONTEST | YES-O FESTIVAL 2025

"Nature Doesnโ€™t Need People, But People Need Nature.โ€ ๐ŸŒฟ๐ŸŽจ

A showcase of creativity and environmental advocacy as students brought their vision to life through art!

The contest was participated in by representatives from all grade levels, from JHS to SHS, highlighting their talent and commitment to protecting the planet.

This event was successfully facilitated by Emely P. Frenila, Roiem A. Dela Cruz, and Trisha Anne Marie B. Nicolas, with Joni Jane Ayuno, Allyn Judiel Michael Antion, and Mark Anthony Dayalo serving as the esteemed panel of judges, last March 7.

๐Ÿ† Who will take home the awards? The winners will be announced on March 15 during the closing program of YESO FESTIVAL 2025!

Stay tuned! ๐ŸŒโœจ

Photos from DepEd Tayo- Tanque NHS's post 07/03/2025

Tanquenians were all ears as contestants from Grade 7 to 12 bravely took on the challenge to represent their grade level in this yearโ€™s Inter-Grade Extemporaneous Speaking Contest held today, March 7. The competition tested their wit, quick thinking and speaking skills in front of an eager audience.

Emerging as the champion was Jefferson Jumapit from Grade 10, who delivered a powerful response to a question on modernization. His victory was a proud moment for his coach, Maโ€™am Geraldine Gellado, and his classmates, who celebrated his well-deserved win.

Claiming second place was Jeros John Caragos from Grade 12, coached by Maโ€™am Marivel N. Amarillo, followed by Khay Limbaรฑa of Grade 9 in third place. Meanwhile, Laurence Apruebo and Khea Mae Potato from Senior High School secured fourth and fifth place, respectively.

The Extemporaneous Speaking Contest was organized by the Grade 8 curriculum team, composed of Erwin S. Victoriano, Shiela Marie F. Duerme, Michael John T. Hisanza, Gale Nexee A. Luna, and Roldan Macavinta. The activity is part of the month-long YES-O Festival 2025, spearheaded by the YES-organization under the leadership of Paul Noel A. De Leon.

A special thank you to the judges, Roiem A. Dela Cruz and Kristine Mae L. Silverio, for their time and expertise in evaluating the contestants.

The festival, which has been running every Friday since February, will culminate on March 15.

Congratulations to all the winners, participants and their coaches! ๐Ÿฅณ

-----

๐Ÿ“ธThea Faith Calinao & Lindsay Shyne Ludas

Photos from DepEd Tayo- Tanque NHS's post 05/03/2025

DepEd Tayo- Tanque NHS is celebrating women, empowered by women and committed to women.



Photos from Deped Tayo-Youth Formation Tanque National High School's post 03/03/2025

Congratulations, ! A promising term awaits you! Make the most of this opportunity to serve our beloved DepEd Tayo- Tanque NHS with dedication and excellence! ๐Ÿคฉ๐Ÿ’—

03/03/2025

In line with Proclamation No. 224, s. of 1988, Proclamation No. 227, s. of 1988, and Republic Act No. 6949 (1990), DepEd Tayo- Tanque NHS proudly joins the nation in celebrating National Womenโ€™s Month this March!

With this yearโ€™s theme, โ€œWE for Gender Equality and an Inclusive Societyโ€ and sub-theme โ€œBabae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bagong Pilipinas,โ€ we reaffirm our commitment to empowering women and promoting gender equality in all aspects of life.

Together, letโ€™s celebrate the strength, resilience, and achievements of women! ๐Ÿ’œ



Want your school to be the top-listed School/college in Roxas City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

See you all, Tanquenians! #SPASS2025 #Year4
๐Ÿ’š๐Ÿ’š๐Ÿ’š
Kenth Laurenz A. Antion (Grade 7-SPFL Korean) delivering his opening monologue during the 2024 National Festival of Tale...
Basta Tanque, DeKalibre! Enrol now! ๐Ÿซถ๐Ÿป
See you tomorrow, campers! ๐Ÿซถ๐Ÿป
DepEd Tayo Tanque NHS
S-PASS 2024May 7-9, 2023Save the date, Tanquenians! ๐Ÿ’œ
Happy birthday to the brilliant SDS of SDO Roxas City, Dr. Roel F. Bermejo! Thank you Sir Roel for your leadership that ...
Hello, Grade 7 and 8 CAMPERS! See you tomorrow for the 1st Day of our Learning Camp!Please come at 7:30 and proceed at t...

Location

Category

Website

Address


Roxas City
5800

Opening Hours

Monday 7:30am - 5pm
Tuesday 7:30am - 5pm
Wednesday 7:30am - 5pm
Thursday 7:30am - 5pm
Friday 7:30am - 5pm